nagising ako ng 4:30am saturday, march 21, 2009. dahil narinig ko ang alarm ko... si Adam Sandler at ang kanyang ringtone. riiiing, riiiiiiiing, riiiiiiiiing... waaaaaaah! ganyan, halos ganyan ang alarm ko pag umaga. may okasyon kanina, Santa Cena kung tatawagin ng mga katulad kong INC. after 30 seconds, nag ring naman ang isa kong cellphone... si wifey, ginigising na din ako. excited din siya alam ko dahil ito ang unang santa cena ko bilang kapareha ng relihiyon.
bumangon na ako at nagplantsa ng polo kong isusuot, sabi ni wifey suotin ko daw yung black na polo na no fear ang tatak. gusto ko din yon at isa ito sa mga paborito ko, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko ito makita. hinanap ko sa sampayan, sa mga cabinet pero di ko talaga makita. wala akong oras hanapin iyon kaya as usual, kumuha nalang ng polo... sa sampayan ni erpats. green na striped na dockers tuloy ang porma ko kanina, pero nevertheless, bonggang bongga parin!
hindi ko talaga style ang mag formal, mag polo, slacks, leather shoes, yuck. sa trabaho nga kahit dress up, naka dress down parin ako. makikita mo lang akong dress up pag naka school uniform, mga araw ng pagsamba, katapusan ng mundo, at syempre sa kasal ko.
isang araw ng linggo, nahuli ako ng gising, dapat 4:45am gising na ako para 5:45am makaalis na ako ng bahay at 6:30am ay nasa INC baclaran na ako, pagkatapos nito ng 7:45am, 10mins jeepney ride na papuntang work, 8am sakto log in ko. ngunit sa kamalasan, na late ako. 6:55am... sarado na ang kapilya.
sa isip isip ko, pwersahan ko sanang bubuksan at magwawala pero baka matiwalag ako. hindi naman ako gagawa ng bagay na ikahahadlang ng relasyon ko sa diyos at sa aking pinakamamahal. ayun, napilitan akong magpolo sa trabaho ng buong araw at nag undertime pa dahil 4:45pm ang huling samba, dapat 4:30pm andun na ako, e 5pm pa ang labas ko, hanggang ngayon ay hinihiling ko na maintindihan ako ng boss ko...
mabuti nalang at wala gaanong tao pag linggo, swerte pa ako, less than 100 lang ang nakakita sa akin na naka-dress up pag hindi naman dapat. mapalad parin ako... Mwahahaha!
sa umpisa talaga, ayoko ng magpalit ng relihiyon, katoliko akong isinilang at pinalaki, naging buddhist nung college, (yeah! nirvana!) naging atheist nung mga panahong nawawalan na ng pagasa sa buhay. pero ngayon, ganap(nga ba?) na inc na.
maraming turo sa relihiyon ko ngayon ay malaki ang conflict sa nakasanayan kong relihiyon dati, aaminin ko sa ngayon, madami paring tanong na lumalaro sa isip ko, at dahil March 22 na, alas dose pasado, next time ko na lang isasaad ang mga tanong ko, papaikliin ko na ire...
ginawa ko lang naman ito dahil talaga sa wifey ko. inc siya mula nung pagkabata, dahil bawal sa kanila ang makipagtipan sa ibang relihiyon, sumang-ayon ako na umanib sa kanila. inaamin ko din na dahil dito, naging malapit na rin ako ke God. laking pasalamat ko rin sa wifey Donna ko.
at sa tuwing pumupunta ako sa church, kahit ano sabihin nila, sa isip ko ay respeto nalang, may sarili akong prinsipyo, may respeto sa paniniwala ng mga tao. pasalamat na rin ako't tanggap naman ng mga magulang ko. sabagay, hindi ko naman sila dinadamay sa mga gawain kong kakaiba sa kanila.
ayun, balik kaninang umaga, santa cena...
banal na hapunan, ang tawag nila. at kung bakit ginagawa natin ito sa umaga na dapat pala ay tinawag na banal na agahan, wag ko na daw itanong. pilosopo daw at walang saysay. ang mahalaga ay maipakita ang saysay ng last supper ni jesus. naisip ko rin na kaya banal na hapunan, magkaiba ng timezone ang pinas at jerusalem noon. advance tayo ng mga ilan ding oras... oh well... ok...
5:30am andun na ako, 6:00am nagsimula, 6:10 - 7am nagsalita ang ministro sa harap. nakinig ako, promise, naintindihan ko yung sinasabi niya, with matching daydreaming sa boring parts, pero naintindihan ko yung sinabi niya.
here comes the exciting part, kakain ng bread at iinom ng katas ng grapes.
dinurog yung animo'y biskwit at isa isang papakuhanin lahat ng tao. medyo maliit lang nakuha ko, malaki pa ang singko sentimos. may korteng "S" pa nga e... galing.
ayan, kakainin na daw... hmmm... crunchy! parang pasencia, yung parang eggnog na walang lasa, at... crunchy talaga, rinig na rinig yung pagnguya nito, nilasap ko pa nga, pero wala talagang lasa.
next in line, the grape wine... or grape juice. kala ko parang shot ng matador, kaya ini-straight ko. yun pala, amf, matamis na juice talaga, grape extract as in, fresh na fresh! sayang at hindi ko nalasap, gusto ko pa sana shu-mat pero di na pwede, next year nalang ulit, gagamitan ko na ng straw.
7:30am na natapos ang samba. dapat sana ay 7am naka log in na ako, pero siguro alam naman ni boss na may sakit parin ako, sana...
pagdating ko, pinaplano ko na sana pumasok, tinamaan nanamman ako ng sakit kong katam (katamaran). nabuksan ko nanaman itong netbook ko at nawili sa pesteng internet. wee! di ko namalayan, 1030am na, lunch ko na pala!... dapat sa work.
half day sana ako, pero ayaw talaga ng katawan ko, para bang may mabigat na humihila sa akin pabalik sa netbook ko kaya ayun. sinabi ko rin kay wifey na tinatamad akong pumasok. alam kong nadismaya siya kasi di na daw ako inspired. lagi naman akong inspired dahil sa kanya, kanina lang, na expired yung... ewan ko ba, kelangan ko ata ng change oil at overhaul.
1pm pumasok na si wifey. ako eto at nag b-browse parin, hanngang 4pm, dumating ang kaibigan kong si denz, nakitambay dito sa bahay, nakipagkwentuhan, sinamahan akong pumunta sa doctor para pa check-up.
sumakit ang ulo ko sa kaka internet hehehe, sa maghapon ko ba namang basa ng basa ng mga forum, install uninstall ng mga programs, kalikot doon, kalikot diyan, nag system restore pa ako dahil sa pesteng brickopacks at sa pagnanais kong magkaroon ng ala- Mac os X na interface.
8pm ata kami pumunta sa Signal Polyclinic. sinamahan ako ni denz. ang reklamo ko ke doc ay sakit ng ulo, pero niresetahan ako dahil daw sa sore throat! abay, ang galing. mas alam pa niya sakit ko kesa sa akin, hanep na pala mga duktor ngayon. nyemas! sa isip ko, binayaran ko lang naman si doc para sa med cert ko. 250petot, di ko na binili yung sandamukal na gamot sa sore throat na nireseta na nagkakahalagang 700++petot. mas tiwala ako kay John Lloyd... Ingat! tanggal ang sakit ng ulo, you changed my life in a moment.
11pm na umiwi si denz, after 15 mins dumating na si wifey, at sa gitna noon ay nagawa ko rin na magmukhang Mac ang desktop ko, Victory is Mine! t eto ala una na pala, tinitipa ko pa kung papasok ako bukas. malamang oo, bagsak nanaman reliability ko hehehe! anyways, bukas target ko maka dalawang entry dito, long day ahead...
and as always, to my wifey... if you are reading this entry... i'm already fast asleep. i love you so much :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment