Friday, March 20, 2009

Finally... a Blog! pinoy version

pinahirapan ako ng blog na ito. binago ko lang yung time na pinost ko yung entry e hindi ko na siya makita sa "evilharvey.blogspot.com" <-- ito ang paala-ala sa akin kung ano ang url ng blog ko.
sobrang excited ko, naging tagalog na tuloy tong entry ko, siguro kasi mas mabilis ako mag-isip sa tagalog ng onti kesa sa isipin sa english, lol. matutuwa si wifey pag nakita nya ito, sinabi ko na sa kanya dati na mahilig ako magsulat at magkwento, mahilig din akong magbasa lalo na sa kubeta. kaya binilhan niya ako ng mga libro ni bob ong, na isa rin sa mga idolo ko sa pagsulat. unang pagbasa ko sa mga libro niya, sa akin, parang pinahabang blog lang, pero astig.

dumating na si inay galing sa pag-aaral ng jewelry making (sosyal!) na sinundo naman ng aking ama sakay ng kanyang honda dio 50cc (kala mo kotse, pero scooter yan...) magluluto daw si ermats ng giniling with carrots, potatoes and peas. kaya lalo akong tumataba.

naiinis ako dati pag pinupuna ako ni wifey na mataba, kasi sa palagay ko tama lang ang katawan ko at nag o-over react lang siya. pero sunod sunod na, sinabi na rin ng mga katrabaho, kapitbahay, mga kaibigan, at sinabi ulit ni wifey. amf. Oo na... magpapapayat na uli ako.

ayon sa mga pagaaral, maraming factor kung bakit tumataba ang isang tao. sa kaso ko , aking napagalaman na napapadalas akong kumain kasi marami kaming pagkain dito sa bahay. pauso ko lang yon, eto ang tunay na dahilan... pag ang isang tao e kulang sa tulog or pahinga, para manatili siyang gising e kain siya ng kain lalo na mga matatamis. minsan naman stress related at financially inclined. pag may pera ka nakakain mo lahat ng gusto mo.

pag nag de-date kami ni wifey, pasawa kami sa pagkain, lagi kaming nagtetesting ng mga restaurant na bago, at mga foodstalls na unique. enjoy naman sobra.

isa sa mga problemang kinahaharap ko ngayon e yung wireless mouse kong nabili sa cdr-king. mabilis maubos ang battery niya. nagpabili ako kahapon ng 2 pieces na aaa energizer na nagkakahalagang 80 petot. sa loob ng 6 hours na gamit naghihingalo na siya. kawawang 80 pesos... sa pagkain sana, nabusog pa ako (to the tune of ako ay may lobo)

madilim na dito sa terrace namin. 5:20 na pala. si wifey ay nasa trabaho pa, 2pm-10pm kasi siya. bukas papasok na ako, at dun sa trabaho magsusulat ng blog habang walang caller, Bwahahahahh!

napansin ko, epektib yung nabili kong old spice na deodorant. sa halagang 60 petot wala ka talagang b.o., at kahit 2 days na hindi maligo, amoy baby pa din! subok ko na ito. ang isa lang na downfall sa mga deodorant, pawis. pawisin ako, lalo na bandang kili-kili. kahit naka-upo lang ako, kahit sa aircon pa nakatapat, pawis ang leki-leki ko. badtrip armpit.

naisip ko, sakit or abnormality ito. for example yung tropa kong si reginald. lagi siyang pawisin pero sa mga palad niya naman, kala ko e may pinipiga siya kasi may tutulo talagang katas pag piniga niya ang mga palad niya.

pero ok lang, hindi naman nakaka-apekto ng performance hehehe.

ngayon lang uli ako dumating sa punto ng wala ng maisip. nag-iisip ako ng isususlat ko dito pero bigla akong na blanko. siguro dala na rin ng sobrang excited ko ngayong may blog na ako at maisususlat ko na lahat ng gusto kong sabihin. isusulat ko nalang kasi hindiko masabi, sasabihin ko nalang pag tinatamad akong magsulat or mag type.

ayun! may pumasok na sa utak kong marikit, 'tong laptop ko nga pala... si dp lappy.

matagal ko na siyang gusto, Asus eee 1000h. eto specs niya:
- intel atom n270
- 2gb ram
- 160gb HD
- win xp home ed sp3/ vistamized :D
- 6-cell li-ion batt
- wifi b/g/n
- multitouchpad
- 10.2in screen

marami pa, nalimutan ko lang yung iba. dala ko siya lagi sa backpack ko. bukas dala ko uli kasi kokopya ako ng psp games sa work. bale eto ang replacement ko sa psp, nagsawa ako sa psp, puro movies nalang ang ginagawa ko,e dito pwede rin naman akong mag movies, mp3 at games. meron pa naman psp dito, sa pamangkin ko. bale tatlo ang kinakalikot ko, cellphone, psp, at etong laptop ko. may iba pa akong kinakalikot pero might as well not disclose it to public. lol

well, maya na ulit. naaasar ako, gusto ko mag join sa www.netbooks.ph pero antagal dumating nung verification email nila. naka off yung javascript ng mozilla kasi thru proxy ang browsing ko ngayon. di ko ma sendan ng email yung nag invite sa akin sa site. hays...

baka sa cp ko nalang gagawin. thru opera mini 4.2 modded. madilim na dito sa kinauupuan ko mula kaninang 1pm. babalik na ako sa kwarto. my netbook's been running for 4 hours and 20 mins. and so is my cellphone, which is charging since 1pm because it's used as a bluetooth modem. i think i'll do a powercycle on my equipment. later!

No comments:

Post a Comment