Monday, March 30, 2009
enjoyotismuffinswithyourfreebyte
andito ngayon ako sa burgerking moa, nag b-browse ahihihihi! antagal kong walang internet, hiniram kasi ni wifey yung cp ko last week, wala tuloy akong modem pero oks lang. dito ako hanggang mamaya kasi hintayin ko si wifey, 7pm pa daw siya darating. sabi ko kasi papakainin ko siya sa isang resto na masarap. tapos mamaya rin ay bibili kami ng Sun Broadband wireless for php1895 modem fee and 799 monthly! up to 2mbps! (burst speed, not stable ampo...ta) mamaya onti, hintayin ko lang si wifey ko. antagal, hay nako... babae talaga. namiss ko tong blog ko, lalo na siguro pag may internet na ako, yung totoong internet, hindi yung jack sparrow (pinirata heheheh!) yang title ko e yung password ng wifi dito sa burgerking MoA. nasa couch ako nakaupo pero mainit, kumain ako ng 1 piece chicken at medyo najejebs na nga ako pero ayokong unalis dito sa kinauupuan ko kasi baka makuha ng iba upuan, ganda ganda na puwesto ko, aalisan ko pa, nyahahah! eto pa't tinesting ko na maglagay ng pic ko, testing lang, at OO, kinapalan ko na ang mukha ko, balang araw makikita ito ng mga anak at apo ko... sasabihin nila, tingnan mo si lolo... tingnan mo... ang mga katarantaduhan na pinag-gagawa niya nung mga panahon niya... lol. naaasar ako dito sa mga registry tools na dinownload ko, yung isa, registry manager ata yun, ok na sana pero bago niya ayusin pc ko, bibilhin ko daw muna sa kanila. ampucha naman o, di na, karapat dapat kang i-uninstall! mwahahahah! meron naman isa pa di ako sigurado sa name pero ayaw niya mag-install, not a valid win32 application daw. sa work kanina, na-Q.A. ako. akalain mong naka 94% grade pa ako, lol. pagkatapos kong mag cold transfer mataas pa ang score ko! pero wala yun sa kalahati ng sinapit ng isa sa mga ka team mates ko. si ate Grace, may recording siya na i-nevaluate kanina, na zero tolerance daw siya, ibig sabihin, tanggal na dapat pag nagawa yung bagay na iyon. grabe, pagkatapos nun, nakatanggap daw siya ng tawag sa cp niya, sabi yung anak niya daw nalaglag sa hagdanan... tsk tsk. at eto pa, di ako sure sa buong kwento pero eto namang si Thursday, wala daw matitirhang bahay. kung saan saan nalang daw siya nakikitulo, pati na rin sa work. haaay... napakadaming publema ng tao. may isang oras pa ako ng paghihintay kay wifey ko. mamaya surf and download to the max akoo, at sana naman wag mabagal sa area namin yung sun broadband. kung hindi, di sila makakalabas ng buhay! nyahahahaha! mamaya na ulit akomagsusulat. gusto ko pa sana ulit pero najejebs na talaga ako, pero hindi parin ako aalsi dito sa kinauupuan ko. hindi rin akong papahuling buhay. hanggang sa mamayan gabi blog, magkikita pa tayo, asahan mo yan...
(edited, pangit yung una kong nilagay na pic e, pic was taken 2weeks before i posted this entry. with my wifey@bk glorietta)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment